Search
  • Levi Gonzales

Gas station hinoldap | ISA SA RIDING-IN-TANDEM, TODAS

PATAY ang isa sa dala­wang hindi pa nakikilalang hol­daper makaraang maka­eng­­ku­wentro ang mga ope­ratiba sa Bgy. Latag, Lipa City, Ba­tangas.

Alas-11:30 ng gabi, abala ang mga kawani ng Shell Gas Station, Inosluban, Lipa City Branch, nang dumating ang isang motorskilo. Agad bumaba ang rider nito saka pinuntahan ang kahera sabay nagdeklara ng holdap.

Mabilis nilang tinangay ang pera sa kaha at mga cell­phone ng mga biktima bago tumakas. Sa follow-up operation ng pulisya, nasukol ang mga suspek hanggang sa magka­roon ng engkuwentro.

Isa sa mga suspek ang agad tinamaan at nama­tay habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.