Search
  • BULGAR

CANSINO NG GROWLING TIGERS, UAAP PLAYER OF THE WEEK


SA nakalipas na off season, sa tuwing tata­­nungin si University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo tungkol sa kanyang mga recruits ay iisa lamang ang kanyang bukang-bibig. “We have CJ Cansino.”

At makaraan ang first round ng eliminations ng UAAP 81 Men’s Basket­ball Tournament, ipinama­las ni CJ Cansino kung bakit ganun na lang kalaki ang tiwala sa kanya ng bagong mentor ng Tigers.

Sa pagsisimula pa lang ng unang taon nilang col­legiate cager, agad nangi­ngibabaw ang do-it-all swingman sa contenders para sa Rookie of the Year at napabilang din sa top 10 candidates para sa MVP honors.

Ipinoste ni Cansino ang dalawa sa kanyang best games para sa Grow­ling Tigers matapos mag-averaged ng 11 puntos, 11 rebounds, 4.5 assists, at 1.0 steals sa kanilang nakaraang back-to-back wins na naging dahilan upang mapili siyang Chooks-to-Go Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week.

Nagsalansan siya ng double-double 16-pun­tos at 10-rebounds bukod pa sa 6.0 assists at 2.0 steals sa kanilang 86-72 panalo kontra UP noong Miyer­kules.

Kabilang sa mga ti­nalo ni Cansino para sa ling­guhang citation ang ka­kamping si Zachary Huang, ang Ateneo duo nina Thirdy Ravena at Angelo Kouame, La Salle main man Aljun Melecio, at kapwa rookie na si John Lloyd Clemente ng Na­tional University. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.