Search
  • Madel Moratillo / Mylene Alfonso

Partylist, sabit sa ‘pork barrel scam’ | LAHAT NAMAN MARUMI — MOCHA


INAKUSAHAN ng Manggagawa Party­­list na sangkot sa pork barrel scam ang partylist na tinatakbuhan ni dating PCOO Asec. Mocha Uson.

Kaugnay nito, hinamon ni Uson ang nag-akusa na maglabas ng ebidensiya.

“Lahat naman tainted. ‘Yung iba nga d’yan ko­munista, terrorist sympathizers. Kaya nga tayo nandito para bulabugin ang Kongreso,” ani Uson.

Naghain si Uson ng kan­didatura bilang kinatawan ng Kasosyo Partylist. Nais umano ni­yang maging boses at ma­katulong sa mga overseas Filipino worker.

Samantala, naghain na rin ng COC upang kuman­didatong senador si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go na personal pang sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros, Manila.

Nais namang bumalik sa Senado ni dating Senador Lito Lapid na naghain din ng COC kahapon.

Naghain din ng COC ang mga re-electionist na sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe.

Naghain din ng kandi­datura para sa Senado si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na isa sa mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Makaraan ang ilang linggong pag-iisip at pakiki­paglaban sa sarili, nagpasya na si dating Interior Sec. Mar Roxas na tumakbong sena­dor sa susunod na halalan.

Sa kanyang video na ini­labas sa Facebook, sinabi ni Roxas na batid niya na may pananagutan ang bawat tao sa isa’t isa at ito ang nagtulak sa kanya para muling puma­laot sa politika.

Samantala, ilan ang na­gulantang nang mag-file ng COC sa pagka-senador si Charlie Tolledo na nagpaki­lalang ‘Jesus Christ’.

“Gusto niya pumunta ako dito, si Duterte. Hindi naman mahirap pagbigyan si Duterte dito. Si Duterte, magkaibigan kami, may pinagsamahan kami. Pero pagbibigyan kita. Pagbibigyan kita, Mr. President Duterte,” ani Talledo.

Kalaunan, sinabi pa ni­tong siya rin umano ang dating Comelec chairman na si Atty. Sixto Brillantes.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.