Search
  • BULGAR

Pahiwatig na magkakaroon ng kayamanan

Socrates Magnus

Salaminin natin ang panaginip ni DreamBoy ng Bulacan.

Dear Professor,

Ako at ang aking asawa ay madalas managinip ng dumi ng tao sa loob ng ba­hay namin. Naikuwento ko sa aking misis ang pa­naginip ko at siya rin pala ay gayundin ang napapa­naginipan.

May eksena na pagla­bas ko ng kuwarto namin ay puno ng dumi ng tao ang salas, mayroon pang nag­kalat ang dumi sa lapag ng banyo namin. Ano kaya ang ibig sa­bihin nito? Ita­go mo na lang ako sa alyas Dream­Boy.

Salamat!

Naghihintay,

DreamBoy

Sa iyo DreamBoy,

Alam mo, iho, ang lantay na ginto or pure gold ay ka­wangis mismo ng dumi ng tao. Ang totoo nga, ang ginto ay tinatawag ding “the bo­wels of the earth”.

Dahil dito, ang dumi ng tao ay sinisimbolo ng ginin­tu­ang kapalaran na ang ibig sa­bihin ay ang pagkakaroon ng kayamanan.

Oo, ito ay isang magan­dang balita para sa mga nana­ginip ng dumi ng tao, pero kailangan din ninyong mala­man na ang ginto ay hindi madaling kunin.

Kumbaga, mahirap mag­karoon ng ginintuang kapala­ran dahil kakaiba ang paraan ng pagkuha nito at hindi ‘yun pangkaraniwan. Dahil dito, para magkaroon kayo ng gin­tong kapalaran, ang payo ay nagsasabing ibang paraan ang gawin ninyo sa inyong buhay.

Ito rin ay nagsasabing kung kayo ay nagnenegos­yo, iba ang dapat na maging style ninyo sa inyong mga ka­kumpitensiya. Sa mundo ng negosyo, sadyang mara­ming kakaibang paraan na puwedeng gawin ngayon.

Sa ngayon, nakagugulat ang mga bagong produkto, halos lahat na yata, 3-in-1, as in, tatlo ang laman sa iisang pro­dukto, may mga 5-in-1 at ang iba ay 7-in-1 pa.

Ito ay sa kadahilanang likas na mayaman ang kaisi­pan ng mga Pinoy. At dahil ikaw ay Pinoy, tiyak na ma­yaman din ang iyong ima­hinasyon, kaya hindi ka ma­u­ubusan ng magagan­dang ideya na magdadala sa iyo sa gintong kapalaran.

At hindi lang naman sa larangan ng negosyo naga­gamit ang kakaibang paraan dahil kahit sa buhay ay pu­we­de rin naman.

Narito naman ang irere­komenda ko sa iyo na kakaiba at ito ay nagsasabing ang ­tayaan mo ay ang mga nu­mero ng mga kaaway mo dahil ito rin ang kaka­ibang pormula kung paano ka su­suwertehin.

Subukan mo ito dahil wala namang mawawala sa iyo, ang totoo nga sasaya at may kakaibang sigla kang madarama.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.