Search
  • BULGAR

Napakabonggang jackpot prize sa lotto, winner sa masa

IMEE R. MARCOS / BUKING!

KALOKA ang Ultra Lotto 6/58, ginulo nito ang buong bansa dahil sa sobrang laki ng jackpot prize. Ito na ang pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto.

Lahat ay nag-join sa lotto craze dahil sa sobrang laki ng jackpot at kahit ‘yung mga walang idea sa pagtaya ng lotto ay napataya na rin at nagbakasakaling sila ang magiging bilyunaryo.

Grabe, kung maririnig natin ang mga pangarap ng bawat mananaya sa lotto, masasabi nating maalalahanin ang mga Pinoy. Sa totoo lang, halos lahat ng narinig nating mga kuwento, ang una raw nilang paglalaanan ng premyo ay ang kanilang pamilya. Take note, hindi sarili kundi pamilya.

Naroon ‘yung dream na maiahon ang pamilya sa kahirapan, makatulong sa mga kamag-anak, kaibigan at kahit sa mga hindi kakilala na mahihirap tulad ng gustong mag-donate sa Simbahan, paaralan at kung anu-ano pang mga organisasyon.

Masarap mangarap ng mga puwede nating gawin kung tayo ang mananalo sa lotto. Pero, paano kaya kung hawak na natin ang premyo, hindi na siguro tayo makapag-iisip nang husto?

Kaya ang payo ng mga eksperto, ‘wag masyadong magpadala sa emosyon at excitement. Kung maaari, magpalipas ng ilang araw bago pumunta sa PCSO para i-claim ang prize. Maging tahimik at huwag ipagkalat ang pagkapanalo. Tapos planuhin ang mga hakbang, huwag bira nang bira! Huwag maging impulsive at magyabang. Ilagay sa bangko ang pera at take note, huwag sa iisang bangko. Gayunman, make sure na nasa maayos na kundisyon ang tiket natin. Huwag tupiin o hayaang malukot at mabasa, lalong huwag itong paplantsahin dahil kapag hindi ito nabasa ng lotto machine, tiyak mapupurnada ang pagkapanalo natin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.