Hirit ni Digong | ‘DI AKO TAKOT MAMATAY

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya natatakot mamatay sa gitna ng mga espekulasyon kaugnay sa kanyang kalusugan.
Sinabi ni P-Duterte na ginagawang isyu lamang ang kalusugan ng isang tao lalo na kapag matanda na kaya sinasabing mamamatay na umano siya.
“When you’re getting old, me, they say I’m dying. Of course, I will die someday. Walang problema iyan,” ani P-Duterte.
Inihayag pa ng Punong Ehekutibo na hindi dapat pangambahan ang pagkamatay ng isang tao dahil hindi naman ito mapipigilan at maaari itong mangyari kahit anong oras.
Una nang ibinunyag na sumailalim sa endoscopy si P-Duterte makaraang may makitang ‘growth’ sa kanyang digestive tract kung saan batay sa resulta ng diagnostic test, negatibo siya sa kanser.





Comments