Search
  • BULGAR

Dapat gawin para makaiwas sa Hepa B

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Ako ay may Hepatitis B, subalit, hindi ko ito ipinaalam sa asawa ko kasi baka pag-isipan niya ako ng masama. Posible ko ba siyang mahawahan nito at may gamot ba rito? — Michael

Sagot

Ang Hepatitis B ay virus kung saan ang tinatamaan ay ang ating atay. Makikita ang virus sa dugo, laway, semilya at regla ng taong may Hepatitis B at kadalasan ito ay panghabambuhay.

Nakukuha ang Hepatitis B sa tatlong pagkakataon:

  • Pagpasa ng nanay sa anak

  • Pakikipagtalik

  • Nasalinan ng dugo na may Hepatitis B

Mga dapat gawin upang makaiwas sa pagkakaroon ng Hepatitis B:

  • Iwasan ang labis na pag-inom ng alak

  • Huwag basta iinom ng mga gamot o herbal supplements

  • Ugaliing magkaroon ng healthy at clean living

  • Matulog ng 7-8 oras

  • Mag-ehersisyo 3-5 beses sa isang linggo

  • Huwag gumamit ng anumang kagamitan ng iba

  • Siguraduhing protektado ang inyong partner sa Hepatitis B

Mayroong mga gamot para sa Hepatitis B tulad ng interferon at lamivudine ngunit, depende ito sa examination ng dugo. Gayunman, mahalagang kumonsulta muna sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.