• BULGAR

2 nanalo sa lotto, ibi-video?!

MAY nanalo na! May nanalo nga ba?

Marami ang nag-post at nag-comment sa so­cial media matapos ianunsiyo na may nanalo na sa Ultra Lotto 6/58.

Kaugnay nito, ayon sa PCSO, ang dalawang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Lucky Circle Corporation sa SM City, Legazpi City, Albay at ang isa ay sa Bgy. H, Borongan, Eastern Samar.

Kung ibabawas ang 20 percent tax, nasa mahigit tig-P470 million ang maiuuwing premyo ng dalawang mananaya.

At para mawala ang duda ng taumbayan, ilalabas umano ng PCSO ang video ng pag-claim ng mga nanalo sa nasabing premyo.

Gayunman, hindi puwedeng ipakita ang mukha at pagkaka­kilanlan ng mga ito para na rin sa kanilang kaligtasan.

Ilang linggo ring pinasabik ang publiko maging ang pangulo ng bansa sa pinakamalaking premyo sa kasaysayan ng lotto hang­gang sa may pinalad nang manalo.

Sadyang hindi na maiaalis sa mga Pinoy ang tumaya at umasa na susuwertehin.

Pero, siyempre, ang higit na hindi dapat mawala sa atin ay ang magpursige sa buhay.

Hindi masamang mangarap na maka-jackpot pero, sabayan din natin ng pagsisikap.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.