Search
  • BULGAR

Walang lindol, walang earthquake drill, ngek!

KA AMBO / BISTADO

UMANDAR na ang kampanya.

Diretso na rin ang danak ng dugo.

◘◘◘

DUMALAW ang ulan.

Bendisyon ‘yan!

◘◘◘

LAHAT ng kandidato ay lumalabag sa electioneering.

Inutil ang Comelec!

◘◘◘

IPINASUSPINDE ni ex-MMDA Chairman Francis Tolentino ang kanyang protesta laban kay Sen. Leila de Lima.

Dapat lang!

◘◘◘

BALIK bilang spokesman ni P-Digong si Salvador Panelo.

Puwede nang ituloy ang kanyang talk show!

◘◘◘

BINABANTAYAN ni NCRPO Chief General Guillermo Eleazar ang mga eskuwelahan laban sa mga komunista.

Dapat lang!

◘◘◘

LAST hurrah ng mga drug syndicate ang Metro Manila.

‘Yari sila kay Gen. Eleazar!

◘◘◘

NAKALIMUTAN na ang earthquake drill.

Wala kasing lindol.

◘◘◘

BAKIT kaya walang “drill” sa mataas na presyo ng mga bilihin?

Wala rin drill sa ‘taggutom’.

◘◘◘

BIHIRA na ang aktibidad ni P-Digong.

Malaki ang tama niya.

◘◘◘

HINDI pa nagsasanib ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago ni Mayor Sara.

Baka, hindi na lang?

◘◘◘

BUMUBUWELO ng puwersa ang LP.

Gagamitin na nila ang excess fund noong nakaraang eleksiyon!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.