Search
  • BULGAR

LEE AT HUANG NG TIGERS SINUWAG ANG TAMARAWS


UMEKSENA na rin sa wakas ang beteranong guard na si Marvin Lee nang tuwangan nito ang kakamping si Zachary Huang para giyahan ang University of Santo Tomas sa 78-70 muling paggapi sa dating namumunong Far Eastern University kahapon sa pagsisimula ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena.

Pinasiklab ni Lee sa pamamagitan ng kanyang back-to-back triples ang huling arangkada ng Tigers na bumaligtad sa dating dalawang puntos nilang pagkakaiwan sa simula ng final canto tungo sa 65-54 na bentahe papasok sa huling apat na minuto ng laro. Nag-ambag din si Huang sa nasabing 16-3 run, na naging susi sa pagwawalis nila sa Tamaraws ngayong season. Tumapos si Lee na may 17 puntos at 5 assists kasunod ni Huang na nagposte ng career best na 20 puntos at 6 rebounds.

Bagamat hindi umiskor ng malaki sa iniambag niyang 5 puntos, nagtala si rookie CJ Cansino ng 12 rebounds at 3 assists habang may ambag si Renzo Subido na 14 puntos kasunod si rookie Germy Mahinay, na may 10 puntos at 8 rebounds. Dahil sa panalo, sinolo ng UST ang ikali­mang puwesto hawak ang patas na markang 4-4, panalo-talo.

Pinutol din nila ang 3- game winning run ng Tamaraws na kinabibilangan ng panalo kontra title contender Adamson University at defending champion Ateneo de Manila University. Bunga nito, bumagsak ang Tamaraws na pinangunahan ni Richard Escoto sa iniskor nitong 12-puntos sa barahang 5-3. (VA)

Laro sa Miyerkules (Mall of Asia Arena)

2 p.m. – DLSU vs UE (Men)

4 p.m. – NU vs AdU (Men)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.