Kahit kalat na kalat na… KRIS, TAMEME PA RIN SA P70 MILYONG NANAKAW SA KANYA
- Nitz Miralles
- Oct 15, 2018
- 1 min read

ANG mag-file ng qualified theft si Kris Aquino laban sa taong nanloko sa kanya at nagnakaw ng milyones na pera sa kumpanya niyang KCAP at maging nu’ng i-release ito sa media, wala siyang binanggit na amount at hindi pa rin pinangalanan ang taong sinampahan niya ng kaso.
Paano ‘yan, inilabas na ng isang tabloid (hindi BULGAR) na P70 M ang natangay kay Kris? Hindi pa rin kaya magsalita si Kris para kumpirmahin o kaya’y itanggi ang napakalaking halaga ng pera na nawala sa kanya at sa kumpanya niya?
Anyway, may update rin si Kris sa medical condition niya at nai-post na humingi ng permiso sa kanya si Dr. Geraldine Zamora for her to consult with an endocrinologist & immunologist dito at kasama ang Singaporean doctor niya para sa additional medication and treatments na ini-research sa kanya ni Dr. Ging (Geraldine). May mga health challenges pa raw siya dahil sa autoimmune disease niya na hindi na sinabi.
Sinabihan din siya ni Dr. Geraldine “to work on lessening her stress and finding reasons to appreciate what’s here & now.”
Ang bilang ni Kris, 53 days na niyang dinadala ang pain and anger sa puso at isip niya.





Comments