Search
  • BULGAR

Dapat gawin upang maibalik ang nawalang pangalan sa listahan ng mga botante

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

Dear Chief Acosta,

Ako ay nagparehistro na botante sa aming probinsiya, ngunit, hindi na ako nakaboto ng mahigit sampung taon dahil lumipat na ako ng tirahan. Noong bumalik ako sa dati kong tinitirhan, ang sabi nila ay wala na raw ang pangalan ko sa listahan ng mga botante. Ano kaya ang puwede kong gawin upang maibalik ang pangalan ko sa listahan ng mga botante? —Zenn

Dear Zenn,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay sa Section 27 ng Republic Act (R.A.) No. 8189 kung saan nakasaad na:

“Sec. 27. Deactivation of Registration. - The board shall deactivate the registration and remove the registration records of the following persons from the corresponding precinct book of voters and place the same, properly marked and dated in indelible ink, in the inactive file after entering the cause or causes of deactivation:

xxx

d. Any person who did not vote in the two (2) successive preceding regular elections as shown by their voting records. For this purpose, regular elections do not include the Sangguniang Kabataan (SK) elections;” (Binigyang-diin)

Kaugnay nito, upang maibalik ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante sa rati ninyong tirahan, nakasaad sa Section 28 ng parehong batas na:

“Sec. 28. Reactivation of Registration. - Any voter whose registration has been deactivated pursuant to the preceding Section may file with the Election Officer a sworn application for reactivation of his registration in the form of an affidavit stating that the grounds for the deactivation no longer exist any time but not later than one hundred twenty (120) days before a regular election and ninety (90) days before a special election.

The Election Officer shall submit said application to the Election Registration Board for appropriate action.

In case the application is approved, the Election Officer shall retrieve the registration record from the inactive file and include the same in the corresponding precinct book of voters. Local heads or representatives of political parties shall be properly notified on approved applications.” (Binigyang-diin)

Ang ibig sabihin, upang maibalik ang inyong pangalan sa listahan ng mga botante sa inyong presinto, kailangan ninyong magsumite sa inyong election officer ng sinumpaang aplikasyon na nagsasaad na kayo ay muling magbabalik sa lugar na ito. Maaari ninyo itong isumite anumang araw na huwag lalampas ng isandaan at dala­wam­pung (120) araw bago mag-eleksiyon, regular election o special election.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.