Search
  • BULGAR

CRAWFORD, TINUPAD ANG PANGAKO NA ‘DI PAPOPORMAHIN SI BENAVIDEZ


BAGAMAT patuloy ang mga maaang­hang na salita na binibitiwan ni welterweight world titleholder Terence Crawford maging ang pagbabanta na hindi nito papopormahin si Jose Bena­videz Jr., isa lang lagi ang pangako niya sa sarili, hin­tayin lang ang laban at pata­tahimikin niya si Jose.

At ang pangako namang iyan ay natupad ni Craw­ford, malupet na estilo ang pinaka­walan niya, dinaig niya si Benavidez bago nakaiskor ng bayolenteng 12th-round knockout upang mapanatili ang 147-pound title sa unang pagkakataon sa harap ng dumada­gundong na mga manonood na may bilang na 13,323 kahapon sa CHI Health Center sa balwarte ni Crawford.

Ang naturang manonood ang pinakama­laking crowd para sa mga laban ni Craw­ford at pinasaya niya nang husto ang fans. Matapos niyang domi­nahin ang laban kontra Benavidez, na hindi na nagawa pang makasuntok sa kanya at makaresbak ng upak, tinapos na ni Craw­ford si Benavidez sa bisa ng isang nakatutulig na kanang uppercut sa nalalabi na lamang na 45 minuto sa laban hanggang sa humapay na ito at sapilitan nang ihinto ng referee na si Celestino Ruiz ang bakbakan sa 2 minuto at 42 segundo. “I did what I said I was going to do. That’s all that needs to be said,” ayon kay Crawford, na tu­mupad sa kanyang pre-fight promise na hindi na niya hahayaang makasuntok sa kanya si Benavidez.

“The knockout was coming. It was just a matter of time. He slowed down tremendously. He was tired, and once he slowed down, I seen I can catch him with the uppercut. It feels so good to shut somebody up who’s been talking for so long. I’m at ease.” Masasabi na ang knockout ay isa nang outstanding performance ni Crawford na kinikilalang isa sa pound-for-pound best fighters sa mundo. “I told Benavidez he was going to get his ass kicked. And that’s what ‘Bud’ did,” ayon kay Brian McIntyre, ang trainer at manager ni Crawford.

Ang dati nang alitan sa pagitan nila ni Crawford ay humantong na sa unang pagdepensa niya ng welterweight title na napagwagian noong Hunyo 9 sa bisa ng one-sided, ninth-round beatdown kay Jeff Horn, at si Benavidez na nga sa huli ang siyang ikakasa kay Terence. Mas uminit pa ang pagmumurahan ng dalawa noong weigh-in bago ang laban, kung saan sinugod pa ni Benavidez si Crawford. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.