- BULGAR
BFF nakuryente, ‘di nasaklolohan | KELOT NAGBIGTI, DEDO
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang binata matapos umanong magbigti sa Piddig, Ilocos Norte.
Kinilala ni S/Insp. Jeffre Taccad, ang biktima na si Rene Jose Duldulao, 24, residente ng Bgy. Tabucboc.
Ayon kay Taccad, nadiskubre ng magkapatid na Robert, 32, at Rogginne Duldulao, 21, kapwa caretaker sa farm na nakabitin ang kanilang kapatid gamit ang nylon.
Lumalabas na ang maaaring dahilan ng kanyang pagbibigti ay pinoproblema umano nito ang hindi niya pagkasagip sa kanyang kaibigan nang makuryente ito, may tatlong taon na ang nakararaan. (BRT)