Search
  • BULGAR

Pagbibigay-halaga sa agrikultura, sagot sa nakakalokang inflation!

IMEE R. MARCOS / BUKING!

PARANG nahihirapan ang pamahalaan na makahanap ng dagliang solusyon para maibaba ang matataas na presyo ng mga bilihin. Sabi ng mga eksperto sa ekonomiya, hangga’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market ay huwag na tayong umasa na bababa ang presyo ng mga bilihin, domino-effect ang kauuwian ng mataas na presyo ng krudo sa merkado.

Nakakaloka kung iisipin natin na waley ng paraan para bumaba ang mga presyo ng mga bilihin. Pero knows ba ninyo na wala sa gobyerno ang paraan para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin, gayundin wala sa Metro Manila ang solusyon ng problema, alam n’yo kung saan? Sa kabukiran, sa mga magsasaka! Napansin natin nitong mga nagdaang administrasyon na hindi masyadong nabibigyang-halaga ang mga magsasaka at ang sektor ng agrikultura na kanilang kinabibilangan.

Kung nabigyan siguro ng atensiyon ng pama­halaan ang pangangailangan ng mga magsasaka, hindi natin kailangang umangkat ng bigas at gulay sa ibang bansa na ibinebenta nang mahal sa merkado.

Dapat ay maisip ng pamahalaan na kailangang pagtuunan na ng pansin ang mga magsasaka. Sana, magtuluy-tuloy ang pagtulong sa kanila —ang solusyon ay nasa bukid, wala sa Metro Manila. Kapag tinulungan natin ang mga magsasaka at maging ang mga mangingisda at lahat ng kooperatiba, may pag-asa nang maibababa ang presyo ng mga bilihin.

Sa Ilocos Norte, inumpisahan ang paglikha sa Sustainable Development Center (SDC) na nakatutok sa poverty reduction sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensiyon sa sektor ng agrikultura at fishery kasama na rin ang small and medium enterprises (SMEs) dahil dito, kahit papaano ay nakapagpo-provide tayo ng mababang presyo ng mga produktong agrikultura sa pamamagitan ng pagbuhay sa Kadiwa Market System.

So, sana, makita ng pamahalaan ang sagot sa inflation —nasa agrikultura ‘yan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.