Negosyante natagpuang patay
Pabs Hernandez III
Oct 14, 2018
1 min read
BUKIDNON—Isang negosyante ang natagpuang patay, kamakalawa sa Bgy. Tikalaan, Talakag sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Wenceslao Caumban, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may tama ng saksak sa leeg.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa biktima.





Comments