Search
  • Mylene Alfonso

Mag-bf, huli sa drugs

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 5, ang pitong pakete ng high grade marijuana (Kush) sa isina­gawang buy-bust operation sa magsyota, kahapon nang umaga sa Quirino Highway, Lungsod ng Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Ig­me­dio Bernaldez, ang mga sus­pek na sina Jon Acosta, 29, ng Bagong Silang, Ca­loocan City at Hanna Navarro, 22, accounting analyst.

Alas-11:40 ng umaga nang maaresto ang dalawa sa nabanggit na lugar ma­tapos ilipat ng lugar ni Acos­ta ang kanilang meeting place.

Narekober sa dalawa ang pitong pakete ng high grade marijuana.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Re­public Act 9165 kilala bilang Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.