top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Kaya para sa mga bet ng mag-lose ng weight diyan, read n‘yo ‘to, dali! KILITI, EPEKTIB NA PAMPAPAYAT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 14, 2018
  • 2 min read

BET mo ba ang ki­nikiliti, beshy? Good ‘yan dahil knows ba ninyong ang kiliti o pangi­ngiliti raw umano ay may naidudulot na maganda sa ating pangangata­wan at kalusugan? Weh, paano?

Anang mga eksperto, ang pakiramdam ng na­kikiliti ay dahil sa nara­ramdaman ng ating balat na naipapasa sa ating cerebellum o ang lugar sa utak kung saan namo­monitor ang galaw at ang nagre-react sa ating senses.

Gayunman, ayon kay Charles Darwin, ang kiliti ay nakae-strengthen ng social bond lalo na ang mga hirap makaunawa ng ilang jokes, partikular na ang mga bata at dahil dito, mas nagiging aware ang tao na protektahan ang mga parte ng kata­wan na delikado.

Dagdag pa ng ilang dalubhasa, nakatutulong umano ang pagtawa ha­bang kinikiliti upang ma­wala ang stress natin sa buhay, gayundin nakabe-burn ito ng calories kung saan nailathala sa Inter­national Journal of Obe­sity na ang 10-15 mi­nu­tong pagtawa ay nakaba­bawas ng 10-40 calories kada araw.

Samantala, sa pag-aaral noong 2014 mula sa University of Leeds, na­tuklasan ng mga resear­cher na ang kiliti ay may naidudulot ding mabuti sa ating puso dahil ito sa tragus na tinatawag na nakalagay sa bukana ng ating tainga na may ko­nek­siyon sa ating puso.

At kapag nakiliti ang tragus natin, mayroong electrical shoots na da­daloy sa ating vagus nerve na tumutulong sa puso upang mag-function ng maayos, gayundin tinutulungan nito ang tao na kumalma.

Pero, ang dehins lang natin kayang gawin ay ang kilitiin ang ating sarili.

Kaya naman kahit sa paa, tiyan, tainga, batok at iba pa ang kiliti mo, keri ‘yan, beshy!

Oh, para sa mga ma­lalakas ang kiliti riyan, may health benefits pala ito na kaya natin nararamdaman. Kaya go na at mangiliti na tayo! Hi-hi-hi!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page