top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

200 katutubo sa Metro Manila, na-rescue – DSWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 22, 2022



Nasa tinatayang 200 indigenous peoples (IPs) o mga katutubo ang nai-rescue sa Metro Manila, ayon Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Martes.


Sa isang public briefing, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay na mahigit sa 60 Badjaos ang nakabalik na sa probinsya habang 20 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa Jose Fabella Center.


“Sinasagot ng DSWD ang transportation cost at binibigay din natin ng mga nararapat na assistance itong mga IP families. Kabilang po diyan ang pagbibigay natin sa kanila ng P10,000 cash assistance,” ani Punay.


Ayon kay Punay, mga miyembro ng IP community sa Makati, Muntinlupa, Manila, at Pasay ang kanilang nai-rescue.


Tinanong naman ang ahensiya kung paano nila matitiyak na hindi na babalik pa sa Metro Manila ang mga katutubong ito, sinabi ni Punay na inaasikaso na ng DSWD ang pagbibigay sa kanila ng mga birth certificates at identification cards.


“Tayo po ay nag i-initiate na rin ng special project para sa birth registration at pagpo-provide po ng identification IDs or identification documents dito sa ating mga IP communities para po sila’y… naka-access sa ating mga programa sa gobyerno,” saad ni Punay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page