Search
  • BULGAR

20-years partnership ng ABS-CBN at UAAP, mapuputol

ni VA - @Sports | July 13, 2020




Sa kabila ng pagsuporta ng mga University Athletic Association of the Philippines (UAAP) schools sa ABS-CBN pagkaraan nitong mabigong makakuha ng "franchise renewal" sa Kongreso, mukhang napipinto ng maputol ang halos 20 taong partnership sa pagitan ng liga at ng istasyon.


Maaari umanong maghanap na ng bagong broadcast partner ang liga para na rin sa ikabubuti nito.


Ayon sa pamunuan ng liga, bukas sila sa oportunidad na makakatulong sa interes ng buong UAAP community. “Proceed as planned. We will conclude negotiations, then evaluate. Consider other parties, if necessary,” ani UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag. “We will have to choose what is for the best interest of the UAAP community,” dagdag nito.


Ibinasura ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa sa botong 70-11 noong nakaraang Biyernes.


Kasabay nito, nawalan ng television coveror ang UAAP at iba pang mga liga gaya ng NCAA, PVL at MPBL . Nangyari ito habang nakikipag negosasyon ang UAAP sa ABS-CBN para sa panibagong kontrata makaraang mapaso ang kanilang 5 taong kontrata noong Mayo 31.


We commiserate with our long-time partner but this is ultimately a business decision that the board will have to make using their best judgment,” ayon pa kay Saguisag.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.