top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

20% Pabuya para sa ‘tipster’ ng smuggled goods

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 31, 2023
  • 2 min read

ni Ryan Sison @Boses | August 31, 2023


Upang mas matagumpay ang mga operasyon ng Bureau of Customs (BOC), mayroon silang inilaan na 20 porsyentong pabuya para sa mga indibidwal na makapagbibigay ng tip sa mga puslit o smuggled na goods at items na masasabat ng kagawaran.


Ayon kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio, ito ay nakasaad sa umiiral na Customs Modernization and Tariff Act.


Aniya, kung hindi siya nagkakamali nasa 20% ng value ng mga bilihin ang nakapaloob sa naturang batas. At kapag ang mga goods na nakuha nila ay mga goods of value na kanilang puwedeng i-auction, ang mga ‘tipster’ ay karapat-dapat na mabigyan nito.


Gayunman, nilinaw ni Rubio na ang 20 porsyentong pabuya ay kukunin sa aktuwal na benta ng mga nakumpiskang smuggled goods.


Paliwanag pa niya, hindi mabibigyan ng cash reward ang tipster o impormante sakaling idinonate ang mga puslit na goods, idineklara na ‘for official use’, muling na-export o kung ito ay winasak.


Binigyang-diin naman ni Rubio na ang isang impormante ay kailangang hindi kabahagi sa anumang ilegal na operasyon ng smuggling, at hindi nagsasagawa ng assessment o nasa enforcement sa pier, kung saan prinoseso ang mga goods.


Malaking tulong para sa ordinaryong mamamayan ang gagawin ng BOC dahil magkakaroon na sila ng pagkakakitaan kahit maliit o simple subalit legal naman na paraan.


Maiiwasan pa ang pagdami at paglala ng pag-i-smuggle ng mga goods at ibang mga produkto.


Mainam din ito para sa lahat dahil sa nagpapakita lamang na kailangan talaga ng pagtutulungan ng gobyerno at ng mga mamamayan para sa ikauunlad na rin ng ating bansa.


Hiling sana natin na maging epektibo at matagumpay ito.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page