- BULGAR
2 volcanic earthquake, naitala sa bulkang Mayon
ni Thea Janica Teh | November 5, 2020

Dalawang volcanic earthquakes ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa bulkang Mayon sa 24-hour observation period nito ngayong Huwebes.
Sa inilabas na bulletin kaninang alas-8 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na may lumabas na white steam-laden plumes at gumapang sa bandang silangang bahagi ng bulkan.
Huli umanong naglabas ng sulfur dioxide ang bulkan noong Oktubre 29, 2020 na may baseline average na 436 ton/day.
Dagdag pa ng Phivolcs, “Overall, the Mayon edifice is still inflated with respect to baseline parameters.”
Nakataas pa rin sa Alert Level 1 ang bulkang Mayon dahil sa patuloy na pagsasagawa ng abnormal na kondisyon.
Kaya naman pinaalalahanan ang publiko na huwag pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone dahil maaaring magkaroon ng rock falls, landslide at pagbuga ng usok.
Naging sanhi rin ng pagdaloy ng lahar ang pananalanta ng bagyong Rolly kamakailan sa Bicol Region.