ni Eli San Miguel @Overseas News | August 1, 2024
Napatay ang dalawang mamamahayag ng Al-Jazeera sa isang Israeli strike sa hilagang Gaza nitong Miyerkules, ayon sa network. Sila ang pinakabago sa mga Palestinian na mamamahayag mula sa Qatari network na napatay sa lugar kung saan nagpapatuloy pa rin ang giyera.
Nasawi ang mamamahayag na si Ismail al-Ghoul, 27, cameraman na si Rami al-Rifi, at isang hindi nakikilalang bata dahil sa pagsabog na tumama sa isang kotse sa Gaza City.
Nag-uulat ang mga mamamahayag mula sa Shati Refugee Camp. Sa maagang bahagi ng araw na iyon, napatay sa Tehran si Hamas leader Ismail Haniyeh, na dumalo sa inagurasyon ng bagong pangulo ng Iran na si Masoud Pezeshkian.
Batay sa karagdagang pagkamatay ng mga reporters ng Al-Jazeera, umabot na sa 111 ang kabuuang bilang ng mga mamamahayag na namatay mula nang umusbong ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre 11 ng nakaraang taon.
Comments