top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

2 pumalag sa warrant, utas sa pulis

Writer: BULGAR
BULGAR
9 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 9, 2026



Magbayaw, pinagbabaril, 1 patay

Photo: File



Napatay ng mga pulis ang itinuturing na most wanted fugitive sa Bangsamoro region at kasama nito matapos umanong manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad madaling-araw ng Linggo, Nobyembre 8, sa Ampatuan, Maguindanao del Sur.


Kinilala ni Police Col. John Michael Mangahis, provincial police director ng Maguindanao del Sur, ang nasawi na sina Amar Sansawi Usman alyas Akhie Usman at Marhan, miyembro ng Dawlah Islamiyah (DI) na kaalyado ng Islamic State at isa sa mga suspek sa ambush noong Marso 28, 2026, na ikinasawi ng limang pulis sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.


Ayon sa pulisya, nagsisilbi sila ng warrant of arrest laban kay Usman sa Sitio Bliss, Barangay Kapinpilan, Ampatuan, madaling-araw nitong Linggo nang umano'y paputukan sila ng suspek at mga kasama nito habang papalapit ang mga operatiba.


“Ang pagkakaneutralisa kay Amar Sansawi Usman, alyas Akhie Usman at Marhan, ay isang malaking tagumpay para sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas,” pahayag ni Mangahis.


Nakatala si Usman bilang most-wanted person sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Maguindanao del Sur.


Napatay rin sa engkuwentro ang kasama nitong kinilala lamang sa alyas Syok.


Sinabi ni Mangahis na dinala pa ng mga operatiba ang mga suspek sa Bangsamoro Regional Hospital and Medical Center sa Datu Hofer, Maguindanao del Sur, subalit idineklarang patay na ang mga ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page