top of page
Brenda Mage - FB.jpg

2 patay, 7 sugatan sa pagsabog at sunog sa Tondo

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 28, 2026



Matapos ang sunog sa Sto. Cristo Street, Brgy. 5, Tondo, Maynila - Phil-Chinese Golden Wild Fire&Rescue Volunteer Inc

Photo: Sto. Cristo Street, Brgy. 5, Tondo, Maynila - Phil-Chinese Golden Wild Fire&Rescue Volunteer Inc



Dalawa ang nasawi habang pito ang sugatan, kabilang ang isang pitong buwang gulang na sanggol, matapos ang pagsabog na sinundan ng sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Sto. Cristo Street, Brgy. 5, Tondo, Maynila, nitong Biyernes ng umaga.


Sa lakas ng pagsabog, nasira ang pader ng katabing bahay at napinsala ang iba pang kabahayan sa lugar.


Isinugod sa Mary Johnston Hospital ang mga sugatan, habang nasa maselang kondisyon ang sanggol.


Pansamantalang isinara ang lugar dahil sa panganib na gumuho ang bahay na pinangyarihan ng pagsabog.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente, habang tinatayang nasa P50,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page