Search
  • BULGAR

2 patay, 3 sugatan sa gumuhong tulay sa Zambales

ni Lolet Abania | October 14, 2020




Namatay ang dalawang manggagawa habang tatlo ang sugatan matapos na gumuho ang steel girder ng ginagawang tulay sa Subic Freeport Expressway (SFEx), Zambales kahapon, ayon sa awtoridad.


Sa inilabas na report mula sa North Luzon Expressway Corp. (NLEx), ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairperson at administrator na si Wilma Eisma, isang kolum ng steel framework mula sa ginagawang tulay ang biglang bumagsak sa ulunan ng mga nagtatrabahong workers sa nasabing construction site kahapon nang hapon.


Gayunman, wala pang ibinigay na ulat ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga workers na biktima ng insidente. Agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan.


Patuloy na nagsasagawa ng retrieval operations ang mga kawani ng NLEx Corp. at SBMA Fire Department sa lugar. Itinigil din muna ang konstruksiyon ng naturang tulay, ayon kay Eisma.


Gayundin, inaalam pa ng mga imbestigador at awtoridad ang sanhi ng aksidente. “We hope that a thorough investigation would uncover the cause and prevent a similar disaster from happening again.” sabi ni Eisma.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.