Search
  • BULGAR

2 NPA na umaming sangkot sa extortion, 'di na nakatiis, sumuko na

ni Lolet Abania | November 22, 2020



Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa awtoridad sa Davao de Oro sa Mindanao ngayong Linggo.


Nakumpiska rin mula sa dalawang rebelde ang mga armas kabilang ang M16 rifle, shotgun, at ammunition.


Ayon sa commanding chief ng 71st Infantry Battalion ng Philippine Army na si Lt. Col. Sonny Gonzales, inamin ng mga rebelde na nasangkot sila sa mga extortion activities sa bayan ng Mawab.


Dagdag pa ni Gonzales, ayon sa mga rebelde, nagpasya silang sumuko dahil sa hindi na nila kayang gawin ang nais ipagawa ng armed group sa kanila.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.