2 national age-group records binasag ni Garra sa SEAG tryouts
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni MC @Sports News | August 25, 2025

Photo File: Circulated / Sophia Rose Garra - FB
Inagaw ng rising star na si Sophia Rose Garra ang atensiyon mula sa kanyang mga batikang karibal matapos basagin ang dalawang national age-group records sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts para sa 33rd Southeast Asian Games nitong weekend sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila.
Ang 13-anyos na protégé ng Olympian backstroker na si Jenny Guerrero mula sa WaveRunners Swim Club ay nagtala ng 1:06.50 sa girls’ 13-under 100-meter backstroke, para lampasan ang kanyang sariling marka na 1:06.65 na naitala nitong Abril sa Smart Juniors Nationals.

Photo: Ang tatlong magiging pambato ng bansa na sina (mula kaliwa) Xiandi Chua sa Girls 100m LC Backstroke - 1:03.07 / Girls 200m LC IM - 2:18:38; Kayla Sanchez Girls 200m LC Freestyle - 2:01.41, Girls 50m LC Butterfly - 27.46, Girls 100m LC Backstroke - 1:02.38 at Michaela Mojdeh na kabilang sa PH Swimming Team na isasabak sa Thailand SEAG nang makuwalipika sa katatapos na Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila. (Bulgar via Reymundo Nillama)
Nagawa niya ang tagumpay sa presensiya ng mga batikang campaigner na kinabibilangan nina Olympian Kayla Sanchez (1:02.38), Cambodia SEA Games champion Xiandi Chua (1:03.07), beteranong si Quendy Fernandez (1:03.23), 2023 SEAG gold medalist na si Teia Isabelle Salvino (1:03.85) at 2023 SEAG na medalyang si Teia Isabelle Salvino (1:03.82 SEAG) (1:03.91) — lahat ay nalampasan ang SEA Games qualifying standard na 1:05.17. Gayunpaman, ayon sa panuntunan ng SEA Games, tanging ang nangungunang dalawang finishers bawat event ang kabilang sa Philippine Team para sa Bangkok.
Sa pagsisimula ng torneo nitong Biyernes, na-reset din ni Garra ang 13-under 50m backstroke record ng mga babae sa 30.70 segundo, na binasag ang dating marka na 31.00. "Congratulations, Sophia Rose Garra, for breaking not just one, but two national age-group records! Ang iyong pagsusumikap, dedikasyon, at passion para sa sport ay tunay na nagbibigay inspirasyon," sabi ng PAI secretary-general Eric Buhain.
Samantala, pinatibay ng national mainstay na si Xiandi Chua ang katayuan bilang nangungunang lokal na swimmers matapos Manalo sa girls’ 200m individual medley sa 2:18.38, kontra kina US-based Isleta (2:21.87) at Shairinne Floriano (2:27.01).
Ang QTS sa event ay 2:18.47. Parehong qualified ang Olympic relay medalist na si Kayla Sanchez at Fil-British swimmer Heather White sa girls’ 200m freestyle, na nagtala ng 2:01.41 at 2:05.40.
Comments