top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg

2 mangingisda, dedbol sa blast fishing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 3, 2026



Blast fishing IED - PNP Police Regional Office Mimaropa

Photo: File Blast Fishing / PNP Regional Office



Dedo ang dalawang mangingisda habang sugatan ang isa pa matapos sumabog ang hinihinalang improvised explosive device (IED) na umano'y ginagamit nila sa ilegal na pangingisda sa Dasol, Pangasinan, Sabado ng hapon.


Ayon sa Pangasinan Provincial Police Office, ilang mangingisdang nasa lugar ang nakarinig ng malakas na pagsabog sa dagat. Nang kanilang puntahan ang pinagmulan nito, natagpuan nila ang tatlong mangingisda na sugatan at agad na sinagip.

Lumabas sa imbestigasyon na nagsasagawa ng blast fishing ang mga biktima nang ito'y biglang sumabog.


Nagtamo ng matinding pinsala ang tatlong mangingisda at agad silang isinugod ng Dasol Emergency Response Team sa Dasol Community Hospital. Gayunman, idineklarang dead-on-arrival ang dalawa sa mga biktima, habang patuloy namang ginagamot ang nakaligtas na mangingisda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page