top of page

2 dayuhan, tigok sa pamamaril

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 27, 2023
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 27, 2023




Patay ang dalawang dayuhan na sangkot sa “money lending business” sa Sultan Kudarat at Maguindanao del Sur, ayon sa pulisya ngayong Lunes.


Noong Linggo ng umaga, pinatay ng mga hindi kilalang armadong lalaki si Jaspreet Singh, isang Indian national habang nagmamaneho ng kanyang motorbike sa Damalusay, bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao del Sur.


Iniulat ni Datu Paglas Police Chief and Police Capt. Nurjasier Sali, na si Singh, 30, mula sa Makilala, North Cotabato, ay dinala ng mga pulis sa Buluan District Hospital kung saan idineklara siyang dead on arrival.


“Investigation is still in progress. We are digging deeper, robbery is among the possible motives but we are looking at other angles,” pahayag ni Sali sa radio interview ngayong Lunes.


Samantala, sa ganap na alas-singko ng hapon noong Sabado, pinatay din ng mga hindi kilalang armadong lalaki ang isang Pakistani national sa Brgy. Salaman, Sultan Kudarat.


Kinilala ni Police Lt. Col. Julius Malcontento, hepe ng Lebak municipal police station, ang biktima bilang si Arshad Taraz Khan, 23, isang residente ng Brgy. Poblacion 3.


“He was collecting money for his lending business from several clients when attacked,” ayon kay Malcontento sa ulat na inilabas ngayong Lunes.


Idineklara rin na dead on arrival ang biktima, ayon pa sa ulat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page