Search
  • BULGAR

2 construction workers, patay, 1 sugatan sa nalaglag na metal beams sa QC

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 23, 2020




Patay ang dalawang construction workers at isa ang sugatan matapos malaglagan ng metal beams sa isang construction site ngayong Lunes nang umaga sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.


Kinilala ng QC Police District (QCPD) Station 1 ang mga nasawing trabahador na sina Arnel Esquitado at Rex Dela Rosa at si Richard Gregorio naman ang sugatan sa insidente.


Ayon sa nakasaksi sa insidente, na-dislocate umano ang equipment na nagbubuhat sa metal beams.


Agad na isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.