top of page
Search
  • BULGAR

2 boylet, parehas ka-compatible pero si Mr. Libra ang makakatuluyan

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 10, 2023



Dear Maestro,


Hindi ako kagandahan pero masasabing may dating din naman kaya hindi nakakapagtakang marami akong manliligaw. Sa ngayon ay may dalawa akong boyfriend, isang isinilang noong October 16, 1998 habang ang isa ay isinilang noong November 28, 1999, naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sino sa dalawang boyfriend ko na ito ang ka-compatible ko at kung sakaling maging stick-to-one ako, sino ang dapat kong piliin sa kanila? Kung mag-aasawa ako, kanino sa kanila ako higit na magtatagumpay at liligaya? February 2, 2000 ang birthday ko.

Umaasa, Maricor ng Bilaran, Nasugbu, Batangas

Dear Maricor,


Ang zodiac sign mong Aquarius ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang boyfriend mong isinilang sa zodiac sign na Libra, kung ikukumpara sa isang Sagittarius.


Sapagkat ang Libra na zodiac sign ng unang boyfriend mo na isinilang noong October 16, 1998 at Aquarius naman ang zodiac sign mo ay may iisang elementong tinataglay, ito ang elementong air o hangin.


Ibig sabihin sa Western Astrology tunay ngang “same feather flocks together” kayo ng nasabing lalaki, kaya sa piling niya sure-win ang iyong pagwawagi at panahon na aani ng isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama.


Sa aspetong pang-numerology naman, bagama’t kailangan ng weak number mong 2, ang isang strong number na 1, tulad ng birth date na 28 (2+8=10/ 1+0=1) ng ikalawang boyfriend mo, subalit katugma rin naman ng weak number mong 2, ang isa pang weak number na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ng boyfriend mong Libra, kung saan sa pang-istatistikang basehan, ang mas madalas na nakakatuluyan ay ang mga indibidwal na isinilang sa petsang 2, 11, 20, 29, at silang may birth date na 7, 16, 25.


Ibig sabihin, mas lamang na si Mr. Libra ang katugma at makakatuluyan mo kung ikukumpara kay Mr. Sagittarius.


Kaya nga kung nais mo ng mamili sa dalawang boyfriend mo at nais mong mag-stick-to-one na lang at maging loyal, piliin mo si Mr. Libra na isinilang noong October 16, 1998, lalo na’t kung mahal mo naman talaga siya at mahal ka rin naman niya, sa ganu’ng paraan tiyak ang isang matibay na relasyon na maaaring humantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page