2 bigtime pusher, timbog sa P3.4M shabu
- BULGAR

- Aug 15
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | August 15, 2026

Photo: PDEA Calabarzon
Kalaboso ang dalawang umano’y notoryus na tulak ng droga matapos masakote sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga nadakip sa mga alyas na “Ryan,” 33, at “Mark,” 35.
Alas-6:40 ng gabi nang bentahan ng droga ng mga suspek ang isang poseur-buyer na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto sa tulong ng Cavite Maritime Police Station.
Nasamsam ang limang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 500 gramo at nagkakahalaga ng P3.4 milyon.
Narekober din ang buy-bust money, smartphone, MPV, susi ng sasakyan at driver's license ng isa sa mga suspek.





Comments