top of page

2 beses na bumagsak sa board exam… Mga dapat gawin ng bebot para makapasa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | September 12, 2023



Dear Maestro,


Dalawang beses na ako nag-take ng nursing board exam, at sa kasamaang palad, lahat ‘yun ay failed. Kaya nais kong malaman kung kailan kaya ako susuwertehin para maipasa ko ‘yung exam?


Sana matulungan n’yo ako, kasi gustung-gusto ko na makapag-abroad at maging regular employee sa pinagtatrabahuan ko ngayon na private hospital.


Ang birthday ko ay August 14, 1995.

Umaasa,

Ching ng Burgos, Rodriguez, Rizal

Dear Ching,


Para makapasa ka sa nursing board exam dapat kumuha ka ng exam sa panahong masuwerte ka. Ang panahong ito ay mula sa ika-19 ng Hulyo hanggang sa ika-23 ng Agosto, mula sa ika-19 ng Nobyembre hanggang sa ika-23 ng Disyembre at mula sa ika-19 ng Marso hanggang ika-23 ng Abril.


Dagdag dito, dapat din kapag mag-e-exam ka, ang isuot mong damit ay golden yellow.


Habang kumukuha ka ng exam, dapat ding gumamit ka ng lapis o ballpen na color yellow, silver at gray.


Dahil ang zodiac sign mong Leo ay suwerte sa yellow, habang ang birth date mo namang 14 o 5 (1+4=5) ay suwerte o mapalad sa kulay gray at silver.


Kailangan ring mapunta sa iyo ang seat number na may sumatotal na 5 o 7, tulad ng 14, 23, 32, 41, 16, 25, 34, 43 at iba pang numero na may sumatotal na 7.


Dapat ding matuon ang petsa ng exam sa numerong 4, 7, at 5, dahil ang mga numerong ito ang mapalad para sa iyo, at bukod sa numerong may sumatotal na 4, 7 at 5, kung minsan significant din sa iyo ang numerong 8.


Dapat din maikli lang ang tabas ng iyong buhok tuwing ikaw ay mag-e-exam upang masagap mo ang positibo na siyang humihigop ng suwerte at magandang kapalaran para sa iyo.


At pang huli, dapat ka ring magsuot ng paborable mong alahas o kaya'y diamond na palamuti sa gold na singsing.


Samantala, ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran Ching, ang pinakapaborable years mo ay hindi lang para sa pagkuha ng exam, ito ay para sa lahat ng aspeto ng iyong buhay katulad ng pag-ibig, career, at pinansyal.


Sa taong 2024, 2025, at 2026 sa nasabing panahon sa edad mong 28 pataas, walang duda makakapasa ka na sa nursing board exam at matutupad mo na rin ang malaon mong pangarap na makapag-abroad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page