top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

2 bangka lumubog, 8 dedo

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 14, 2023




USA — Nasa 8 katao ang patay matapos bumaliktad ang 2 bangkang pangisda na umano’y klarong migrant smuggling operation sa San Diego, California.


Mabilis na nagsagawa ng search and rescue ang San Diego Emergency Crew matapos makatanggap ng tawag sa 911 hotline mula sa isang Spanish-speaking sa baybayin ng Black Beach.


Ayon kay Diego Fire-Rescue Lifeguard Division Chief James Gartland, nadatnan nilang nakataob ang 2 bangkang pangisda at natagpuan ang 8 bangkay sa dagat at sa baybayin.


Hindi pa tukoy ng awtoridad ang nationality ng mga biktima ngunit kinumpirma na lahat ay pawang nasa hustong gulang.


Dagdag pa ni Eric Lavergne, Special Operations Supervisor ng U.S. Border Patrol sa San Diego, isa ito sa halos ilang daang kaso ng smuggling event ng mga migrante upang makatawid lamang sa border ng US.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page