top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

2 anak ni Pacquiao, pinaglalaban… EMAN, ATRAS SA BOXING MATCH NILA NI JIMUEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 17
  • 2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | April 17, 2026



Eman Bacosa Pacquiao at Jimuel Pacquiao

Photo: Eman Bacosa Pacquiao at Jimuel Pacquiao



Hindi raw lalabanan ni Eman Bacosa Pacquiao ang utol niyang si Jimuel Pacquiao sakaling may alok na maglaban sila sa boxing ring.


Sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong Huwebes, April 16, inamin ni Eman na kahit may posibilidad na magkatapat sila bilang professional boxers, hindi niya ito tatanggapin kung may offer na dumating.


“Kasi kapatid ko po s’ya at saka wala naman pong kasiyahan na mangyayari du’n kung matalo man o manalo sa kapatid mo,” pahayag niya.


Dagdag pa ng anak ni boxing champ Manny Pacquiao, alam niyang hindi rin magugustuhan ng kanilang ama ang ideyang magkalaban sila sa ring, kaya ayaw din niyang masaktan ito.


“I really love you, Kuya,” emosyonal pa niyang dagdag.


Ayon kay Eman, maayos ang relasyon niya sa mga kapatid at supportive siya sa boxing journey ni Jimuel, lalo na ngayong active na rin ito sa Amerika.


Pero inamin din niya na hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong mag-usap nang maayos dahil parehong abala sa boxing training at commitments sa US.


Naku, inaabangan pa naman ito ng mga netizens at mga boxing fans sa buong mundo para malaman kung sino talaga ang totoong nagmana sa galing ni Manny Pacquiao sa boksing. 


Pero valid naman ang naging dahilan ni Eman Bacosa Pacquiao, mahirap nga namang saktan ang sarili mong kapatid kahit pa sabihing for entertainment lang ito.





Piktyur kumalat…

JAKE AT RABIYA, NAGSAMA SA BAGUIO 



MUKHANG dumadalas ang pagba-bonding nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo matapos nilang magbahagi ng sweet posts sa social media.


Sa Instagram (IG) Story nitong Miyerkules ng gabi, April 15, 2026, ibinahagi ni Jake

ang larawan nilang dalawa habang magkasamang nakaupo sa sofa sa balkonahe ng isang hotel. Naka-tag si Rabiya sa post at nilagyan pa ito ng ‘heart’ emoji ng aktor.


Ini-repost naman ito ni Rabiya at inilagay ang location kung nasaan sila, sa Baguio Country Club.


Kinabukasan, Huwebes ng umaga, April 16, nag-post naman si Jake ng short reel kung saan makikitang masayang pinagmamasdan ni Rabiya ang kanyang standee para sa Baguio Country Club Raisin Bread, kung saan siya ang endorser.


Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens. 


May ilang nagbabala, “Don’t be his next victim, Rabiya,” “Love now, iyak later,” at “‘Di nababakante, very red flag,” habang may iba namang kinilig at nagsabing suportado nila ang dalawa at hayaan na lang ang mga ito sa kanilang desisyon na huwag daw maging ‘bitter’. Hahaha!


Last dyowa na kaya ni Jake Cuenca si Rabiya Mateo? Malalaman natin, tutok lang! 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page