ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 9, 2024
Tinatayang umabot na sa 2.8 milyon ang dami ng tao sa Traslacion sa gitna ng pagdiriwang ng Itim na Nazareno ngayong Martes, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon sa NCRPO Public Information Office (NCRPO-PIO), nasa 2,807,700 ang bilang ng mga tao hanggang alas-1 ng tanghali.
Kasama dito ang bilang ng mga deboto sa Quirino Grandstand, sa prusisyon ng Traslacion, pati na rin sa Simbahan ng Quiapo.
Ayon sa mga opisyal ng simbahan, lumagpas sa 1 milyon ang bilang ng mga tao bandang alas-10 ng umaga.
Una nang tinantiya ng mga otoridad na aabot sa 2 milyon ang dami ng tao sa kaganapang ito na huling idinaos tatlong taon na ang nakalilipas dahil sa COVID-19 pandemic.
Comentários