1st National Peace Convention, Idinaos para itaguyod ang Pagkakaisa
- BULGAR

- Jan 26, 2023
- 2 min read
ni Fely Ng @Bulgarific | January 26, 2023
HELLO, Bulgarians! Idinaos ang 1st National Peace Convention noong ika-25 ng Enero sa temang, "Peace Builds One Nation, One Future: Peace is Here". Ito ay dinaluhan ngmahigit 1,500 mga peace advocates upang bumuo ng isang holistikong balangkas tungo sa pagkamit ng pambansang pagkakaisa sa kapayapaan alinsunod sa layunin ng kasalukuyang administrasyong Marcos.
Pinangunahan at inorganisa ito ni Dr. Ronald Adamat, Commissioner ng Commission on Higher Education (CHED) at Founding Chairman of Volunteer Individuals for Peace (VIP).
Si Dr. Adamat ang unang Pilipinong ginawaran ng prestihiyosong Mahatma MK Gandhi Prize for Non-violent Peace noong nakaraang taon bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa gawaing kapayapaan partikular sa mataas na edukasyon.
Dumalo rin si Chairman Lee Man-hee ng Heavenly Culture, World Peace, Restoration of Light (HWPL), isang 92 taong gulang na beterano ng digmaan mula sa Korea.
Ang dalawang tagapagtaguyod ng kapayapaan ay nagkakilala noong 2017 sa World Peace Summit ng HWPL na ginanap sa South Korea. Bilang pagpapahayag ng kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan, lumagda ang CHED at HWPL ng Memorandum of Agreement (MOA) noong 2018 upang ituro ang edukasyong pangkapayapaan sa kurikulum ng mga kolehiyo at mas mataas na edukasyon.
Sinimulan ang programa sa unang plenary session at sinundan ito ng mga parallel session sa hapon. Magkakahiwalay na ginanap ang mga parallel session para sa limang sektor ng grupo-mga mambabatas at mga non-government organization, akademya at kabataan, relihiyoso at etnikong grupo, kababaihan, at mga mamamahayag. Ang bawat sesyon ay bumuo ng isang resolusyon na naglalaman ng kanilang pakikiisa sa mga gawaing pangkapayapaan ng VIP at HWPL.
Ang limang resolusyon ay pinagsama-sama sa ikalawang plenary session para ipanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na iproklama ang ika-24 ng Enero bilang 'National Peace Day' o "Truce Day".
Ang petsang ito ay iminungkahi bilang paggunita sa isang kasunduang pangkapayapaan na pinamunuan ng mga mamamayan. Ito ay nilagdaan sa General Santos City noong 2014 upang isulong ang pagkakasundo sa pagitan ng mga lokal na komunidad. Angnasabing kasunduan ay iminungkahi ni Chairman Lee upang mamagitan sa umiiral na tunggalian sa Mindanao noong panahong iyon. Ang petsang ito ay idineklara bilang 'HWPL Peace Day' ng dating gobernador ng Maguindanao na si Toto Mangudadatu noong 2015 at Punong Ministro ng BARMM at Tagapangulo ng MILF na si Ahod Ebrahim noong 2016.
Naniniwala ang mga tagapag-organisa na ang deklarasyon ng isang Pambansang Araw ng Kapayapaan ay magiging mekanismo kung saan ipagdiriwang taon-taon ang mgaaktibidad na may kaugnayan sa kapayapaan.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.













Comments