ni Eli San Miguel @News | May 1, 2024
Nasa 1,000 mga civilian boats ang dapat ilabas sa West Philippine Sea (WPS) upang tugunan ang bilang ng mga barkong pandagat ng Tsina sa lugar, ayon sa Philippine Navy nitong Miyerkules.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, tinanong si Commodore Roy Vincent Trinidad, ang tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea, kung suportado ng militar ang sibilyang misyon na may 100 bangka sa Scarborough Shoal sa ika-15 ng Mayo.
“We support all activities of the Filipino people of civic society that would show our resolve for the West Philippine Sea,” pahayag ni Trinidad.
“Hindi nga lang dapat 100 yan. If China could amass 300 to 400 maritime militia [vessels] and malayo sa coastline nila yan, dapat tayo 1,000,” dagdag niya.
Comments