top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

19-anyos arestado sa domestic violence sa iskul, 2 dedbol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 29, 2026



Domestic violence sa loob ng isang paaralan sa Gosen-Neu Zittau, malapit sa Berlin, Germany - AFP

Photo: Domestic violence sa loob ng isang paaralan sa Gosen-Neu Zittau, malapit sa Berlin, Germany - AFP



Dalawa ang nasawi matapos ang isang insidenteng inilarawan ng pulisya bilang domestic violence sa loob ng isang paaralan sa Gosen-Neu Zittau, malapit sa Berlin, Germany.


Arestado ang isang 19-anyos na German national na itinuturing na pangunahing suspek. Nilinaw naman ng Brandenburg police na hindi ito isang mass shooting, bagama’t hindi pa inilalabas kung anong uri ng armas ang ginamit.


Kabilang sa mga nasawi ang 18-anyos na babaeng estudyante ng private Docemus school. Ang isa pang biktima ay isang 30-anyos na lalaki na sinubukang umawat sa insidente ngunit nasawi rin, ayon sa mga ulat ng lokal na media.


Pinaniniwalaang dating nobyo ng estudyante ang suspek. Hindi pa naman nakumpirma ng mga awtoridad kung dati rin itong nag-aaral sa naturang paaralan.


Tinawag ni Brandenburg regional parliament speaker Ulrike Liedtke na isang “cowardly femicide” ang insidente. Nagpahayag siya ng galit at matinding kalungkutan sa muling pagkasawi ng isang babae dahil sa karahasan, pati na rin sa pagkamatay ng lalaking nagtangkang tumulong.


Kinondena rin ni Brandenburg Premier Dietmar Woidke ang insidente bilang isang hindi maisip na karahasan.


Bilang tugon sa trahedya, walang regular na klase sa Biyernes. Gayunman, mananatiling bukas ang paaralan para sa mga estudyanteng nais pumasok upang magkaroon ng ligtas na lugar kung saan maaari silang mag-usap at makapagproseso ng nangyari.


Sinabi ng school managing director na si Michael Kunz na pag-aaralan nang mabuti sa mga susunod na araw kung paano ipagpapatuloy ang school activities matapos ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page