Search
  • BULGAR

180K health workers, 1.4M senior citizens, unang babakunahan — DOH

ni Lolet Abania | February 17, 2021





Mahigit sa 180,000 health workers habang lagpas isang milyong senior citizens, indigents at uniformed personnel ang kabilang sa master list ng gobyerno para sa pagbabakuna, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga sumusunod ang naitala sa Vaccine Information Management System ng Department of Information and Communications Technology (DICT) hanggang February 16 na kabilang sa unang vaccination:


• 186,562 healthcare workers

• Mahigit 1.4 milyong senior citizens

• 3 milyong indigents

• 164,000 uniformed personnel


“Most of these healthcare workers would comprise those from the eligible hospitals na isasama natin sa pauna nating pagbabakuna with Pfizer vaccines,” sabi ni Vergeire sa COVID-19 briefing ngayong Miyerkules.


Matatandaang naiulat ng DOH na 34 ospital sa buong Metro Manila, Cebu at Davao ang magiging bahagi ng initial rollout para sa 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech.


Gayunman, ayon sa Malacañang hindi pa tiyak kung kailan maide-deliver ang unang batch ng vaccines.


Inaasahang magsisimula ang rollout sa kalagitnaan ng Pebrero subalit ito ay naantala dahil sa pagkukulang ng bansa sa tinatawag na indemnification law, o 'yung pagkakaroon ng katiyakan para magbigay ng kompensasyon sa mga maaaring makaranas ng matinding side effects matapos na maturukan ng COVID-19 vaccines.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.