Search
  • BULGAR

18 sugatan nang alisin ang statue ni Christopher Columbus sa Chicago

ni Lolet Abania | July 25, 2020



Inalis na ang statue ni Christopher Columbus sa Grant Park ng Chicago, matapos na iutos ito ni Mayor Lori Lightfoot ng naturang lugar.


Makikita sa video na dahan-dahang ibinababa ng mga crew ang statwa gamit ang mga strap at isang crane para maalis sa base nito.


Nag-iwan ng maraming officers na sugatan matapos ang matinding kumprontasyon sa pagitan ng Chicago Police at protesters dahil sa kontrobersiyal na statwa.


Ayon sa report, plano na noon pa ni Lighfoot na alisin ang statwa.


Gayundin, malaking grupo ng raliyista ang nagnanais na ibaba ang statue, ayon sa Chicago police.


Labing-walo ang sugatang officers sa naganap na demonstrasyon habang sila ay, “providing security and protecting their First Amendment right to peaceful assembly,” sa pahayag ng departamento.


Gumamit ang mga raliyista ng mga bato, fireworks, frozen bottles at iba pa laban sa mga officers, ayon sa statement.


Tinatayang 12 katao ang naaresto at maaaring sampahan ng kaso tulad ng paglaban sa isang police officer, mob action at felonies, pahayag pa ng departamento.


Isang controversial figure sa history ng US, ang mga Statue of Columbus kasama ang Confederate statues, na tinatarget at sa ibang kaso sa lugar ay inaalis dahil sa racial reckoning sa buong bayan ng Chicago matapos ang pagkamatay ni George Floyd.


Sumiklab ang mga protesta sa buong bayan dahil sa pagkamatay ni Floyd sa kamay ng pulisya at nag-udyok sa karamihan para sa isang national conversation tungkol sa race, police brutality at social injustice.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.