18 LGUs, sumailalim sa ‘state of calamity’ — task force

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 5, 2024

Umabot na sa kabuuang bilang na 18 ang mga local government units (LGUs) na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng lumulubhang El Niño, ayon sa Task Force El Niño nitong Biyernes.
Sa pinakabagong ulat nito, ipinakita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kabilang sa mga apektadong LGUs ang sumusunod:
— 11 bayan sa probinsya ng Occidental Mindoro
— Bulalacao, Oriental Mindoro
— Mandalay, Oriental Mindoro
— San Vicente, Palawan
— San Andres, Romblon
— Mayoyao, Ifugao
— Sinaloa, Antique
— Zamboanga City
Ipinakita ng datos mula sa Department of Agriculture (DA) na umabot na sa higit sa P2.63 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura na dulot ng matinding init.
Samantala, humigit-kumulang sa P1.092 bilyon na tulong ang naipamahagi sa mga apektadong pamilya at magsasaka.





Comments