top of page

17 arestado sa rebranding at refilling ng LPG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 41 minutes ago
  • 1 min read

ng BRT @News | May 3, 2026



Ilegal na LPG hub sa Caloocan - NCRPO

Photo: NCRPO



Hinuli ng mga operatiba ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang 17 empleyado ng isang kumpanya sa isinagawang operasyon sa Tullahan Road, Brgy. 163, Sta. Quiteria, Caloocan City.


Sa bisa ng search warrant kasama ng representative ng isang kilalang gas station, nadiskubre ang isinasagawang rebranding ng ilang basyo ng LPG at ang umano’y ilegal na pagre-refill.


Ayon kay Clint Lirado, representative ng Petron, nakita nila sa lugar ang kanilang mga basyo na nire-repaint ng kulay ng nasabing brand ng LPG na sinalakay.


Narekober sa lugar 40 piraso ng LPG Cylinders, Gasulette 2.7 Cylinders, 17 weighing scale na may hose, dalawang piraso ng refilling hose na naka-attach sa isang truck, tractor head at isang compressor.


Posible namang maharap sa kasong paglabag sa RA 11592 o LPG Industry Regulation Act partikular ang ilegal na pagre-refill at rebranding ang mga nasabing suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page