Search
  • BULGAR

17-anyos, pinagpupukpok sa mukha ng ex-BF, patay

ni Thea Janica Teh | October 8, 2020




Hindi na makilala ang isang 17-anyos na babae sa Santa Lucia, Ilocos Sur matapos itong paghahampasin ng bato sa mukha.


Natagpuan ang biktima sa sapa sa Barangay San Pedro nitong Huwebes.


Nakita sa crime scene ang isang kuwintas na naiwan ng suspek at napag-alamang

pagmamay-ari ng dati nitong nobyo na kinilalang si Linio Valdez.


Hindi na ito pumalag nang puntahan ng awtoridad at inilahad kung paano sila nagkita ng biktima.


Kuwento ng suspek, nagkita umano sila sa sapa para mag-usap ngunit humantong ito sa

pagtatalo. Hindi na umano nakontrol ang galit at napatay nito ang dating nobya.


Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong murder.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.