top of page
Search
  • BULGAR

17-anyos pababa at 66-anyos pataas.. Outdoor exercises, puwede na — Malacañang

ni Lolet Abania | September 24, 2021



Pinapayagan na ng Malacañang ang mga indibidwal na gawin ang kanilang outdoor exercises kahit pa anong alert level ang ipinatutupad sa isang lugar.


Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakapaloob sa pinakabagong ibinabang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na papayagan na ang outdoor exercises para sa lahat, kabilang dito ang mga 17-anyos pababa at 66-anyos pataas, at may mga immunodeficiencies, comorbidities, o iba pang may health risks, at buntis subalit kailangang gawin ang outdoor exercises sa tinatawag na general area ng kanilang mga tirahan gaya ng kanilang barangay, purok, subdibisyon at village.


“This shall take effect immediately,” ani Roque. Gayundin, papayagan na ng gobyerno ang mga gatherings para sa necrological services, burol, inurnment, libing ng namatay na hindi naging sanhi ng COVID-19 subalit limitado lamang para sa mga immediate family members na may patunay ng kanilang relasyon sa nasawi habang susunod pa rin sa ipinatutupad na minimum public health standards.


Gayunman, ang lahat ng contact sports, indoor o outdoor ay nananatiling ipinagbabawal maliban sa mga lugar na ipinatutupad ang bubble-type set-up.


Hindi pa rin pinapayagan ang mga personal care establishments na nagsasagawa ng aesthetic/cosmetic services o procedures, make-up services, spas, reflexology, aesthetics, wellness, at holistic services at iba pang katulad na serbisyo, kabilang na ang home services.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page