top of page
RUN WILD - “I AM A GOOD PERSON. NO ONE CAN TAKE THAT AWAY” - ALDEN_IG _aldenrichards02.jpe

17-anyos na estudyante, binigti ng ka-live-in, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

ni Mai Ancheta @News | October 27, 2026



17 anyos nasawi sa 19 anyos - PNP-PRO 12

Photo: PNP-PRO 12 / Circulated



Nasawi ang isang 17-anyos na estudyante matapos umanong bigtiin ng kanyang 19-taong gulang na live-in partner sa kanilang boarding house sa Barangay Kalawag, Isulan, Sultan Kudarat.


Nagawa pang isugod ang biktima sa ospital, subalit hindi na nailigtas ng mga doktor.

Ang suspek na kinilalang si "Jay" ay tumakas matapos ang krimen, subalit naaresto sa follow-up operations ng mga awtoridad.


Sa imbestigasyon, inamin umano ng suspek na may kinalaman siya sa krimen, subalit hindi niya sinadya ang pagpatay sa biktimang si “Marie.”


Pinatotohanan din ito ng magulang ni “Jay” na nakasaksi sa insidente at iginiit na hindi umano intensiyon ang nangyaring insidente.


Hindi naman nagbigay ng dagdag na detalye ang pulisya kung ano ang pinagsimulan ng krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page