Search
  • BULGAR

163 preso, nabigyan ng parole

ni Gina Pleñago | June 24, 2020




Walang high profile inmates sa 163 na nakatakdang lumaya mula sa iba't ibang penal colony sa bansa.

Kinumpirma ng Bureau of Correction (BuCor) na ready to release na ang 163 inmates mula sa iba't ibang penal colony sa bansa.

Paglilinaw ni BuCor Chief Director General Usec. Gerald Bantag, walang napasama na high profile inmates na nabigyan ng parole.

Ayon kay Bantag sa nasabing bilang, 94 ang mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security compound, ang iba ay mula sa Leyte Davao penal colony at Sablayan penal colony.

Maaari pa umanong ma-rebook ang parole ng mga inmates kung may gagawing paglabag sa patakaran na ipinagkaloob ng Bureau of pardon and parole sa ilalim ng Department of Justice (DOJ).

Handa na rin umanong humarap sa lipunan sa kanilang paglaya ang mga inmates matapos silang sumailalim sa debriefing at documentation at ang iba sa kanila ay nakapag-aral pa sa loob ng NBP.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.