top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

16-anyos, pinagamit ng droga, ni-rape

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 9, 2023




Isang 16-anyos na babae ang pinagamit ng ilegal na droga at ginahasa ng edad 45 na lalaki sa Urbiztondo, Pangasinan.


Ayon sa imbestigasyon, nakita ng suspek na naglalakad ang biktimang mag-isa nang nag-alok itong ihahatid niya na ang bata pauwi dahil kilala naman nito ang suspek.


Sumama naman ang biktima na dinala sa lugar na walang tao at doon tinutukan ng baril ng suspek upang pagamitin ng droga at gahasain.


Namataan ang biktimang naglalakad bandang madaling-araw at wala sa sarili at matapos na bumalik sa kanyang sarili ay agad nitong kwinento ang nangyari.


Agad namang naaresto ang suspek na itinatanggi ang ginawang kahalayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page