150 helmets at safety gear, ipinamahagi sa mga siklista sa Manila
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 9, 2020

Namigay ng halos 150 helmets at reflective gear ang dalawang pribadong grupo at ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa mga siklista sa Manila.
Pinamunuan ni James Yu ng Batch 8 Brotherhood at Lions Club International District 301-A4 katuwang ang MDRRMO sa pamamahagi ng safety gear.
Ayon kay Manila DRRMO chief Arnel Angeles, nararapat ang paggamit ng helmet para sa kaligtasan ng mga siklista lalo na ngayon na ang mga bisikleta ay parte na ng ‘new normal’ at bilang isang uri ng transportasyon.





Comments